PRO3 all set go na sa 4th SONA ni Duterte

CAMP OLIVAS, Pampanga — Aabot sa 462 Pulis na augmentation troops mula sa Regional Mobile Force Battalion, Nueva Ecija, Pampanga at Tarlac Police Provincial Offices na kasama sa security sa Batasan, Quezon City para sa Civil Disturbance Management (CDM) operation sa gaganapin ika-apat na State of the Nation Address (SONA)  ni President Rodrigo Duterte ngayon lunes.

Ayon Kay  Regional Director P/Brig. Gen. Joel Napoleon M. Coronel ng Police Regional Office 3, maliban sa augmentation troops ay may Reactionary Standby Support na aabot pa  sa 350 PNP personnel mula sa lalawigan ng Aurora, Bataan, Bulacan, Zambales Police Provincial Offices,  Angeles at Olongapo City Police Offices.

“Our personnel are reminded to observe “maximum tolerance” and to ensure they respect the human rights of protesters as they are again expected to hold rallies when the President delivers his 4th SONA. I have also ordered for the intensified conduct of checkpoint operations particularly along major thoroughfares to ensure the maintenance of peace and order during said event,” Pahayag ni Coronel.

Dagdag pa nito na simula pa kahapon ay nasa full alert status na ang buong kapulisan sa bansa.

Kasabay nito ay nilinaw din ni Coronel na ang kanilang anti-criminality campaign at police operations sa buong rehiyon ay hindi makakaakpeto sa pagpapadala ng kapulisan.F.Soriano

Show Buttons
Hide Buttons