2, 351 Aliens tinambla ng Immigration

Tinatayang aabot sa 2,351 na foreign nationals ang tinabla ng Bureau of Immigration (BI) na pumasok sa loob ng bansa bilang bahagi ng paghihigpit nito sa loob ng anim na buwan. Ayon sa ulat ni BI port division chief Grifton Medina kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang nasabing bilang ay mula sa Manila Ninoy Aquino International Airport habang ang iba ay sa nagmula naman sa Mactan, Clark, Kalibo, Aklan and Davao airports. Na kinabibilangan at pinangunahan ng Chinese national na sinundan naman ng Indian, American, Korean at Taiwanese nationals na may ibat ibang kinasasakungtan kaso Gaya ng mga sex offenders, wanted fugitives, suspected international terrorists, blacklisted, previously deported aliens, incomplete travel documents at disrespectful sa immigration officers. “They were turned back after undergoing primary and secondary inspection by our immigration officers and were declared unfit for admission into our country for a variety of reasons. They were issued exclusion orders and booked on the first available flight to their ports of origin,” ayon kay Medina. Samantala, pinuri naman ni Morente ang mga BI port personnel sa kanilang accomplishments at pag-ganap ng kanilang tungkulin sa nakalipas na anim na buwan para di makapasok sa bansa ang mga undesirable at inadmissible aliens. “Our immigration officers are working hard day and night to protect our borders from these threats,” said Morente. “We are serious in our drive against illegal aliens, and we are doing the best so we can to stop them from entering the country,” Dagdag ni Morente. Pinaliwanag din nito na wala silang tinatarget na specific na foreign national bagkus ay target nila ang mga lumalabag sa batas, may sala sa batas at undocumented individual na pumapasok sa bansa na may kaugnaya sa public order and safety . FRANCIS SORIANO

Show Buttons
Hide Buttons