Brother-in-law law Bin Laden: Ideniport ng Immigration

Nakatakdanang ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Jordanian national na dati umanong henchman at brother-in-law ni Osama Bin Laden matapos itong iligal na pumasok at maaresto sa Mindanao. Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, anu mang araw ay ididiport na si Mahmoud Afif Abdeljalil, 51-anyos, isang Jordanian national na nasa kostodiya ng goveryono matapos itong maaresto noong July 4 ng joint operatives ng BI, Military at police sa Zamboanga City. “We are going to deport him for being an illegal entrant as he has no record of arrival, after he was arrested and deported in 2003 for being an undesirable alien,” ayon kay Morente. Dagdag pa ni Morente na nabisto at naaresto si Abedeljalil dahil sa fictitious name at pagpapangap nito na siya ay residente ng bansa sa pamemeke nito ng mga documento. Lumabas din sa imbestigasyon na unang nahuli noong Augusto nakaraan taon ang kasamahan nitong Algerian national sa military checkpoint sa Zamboanga City. Matapos ang ilang buwang intensive surveillance at case buildup ay nakumpirma ng awtoridad ang unlawfully staying nito sa bansa na nagresulta sa pagkakaaresto nito. Sa tactical irrigation ng awtoridad ay inamin ni Abdeljalil na siya ay bumalik sa bansa noong 2007 matapos itong maaresto at ipadiport ng BI noong 2003 dahil sa expired visa at involvement nito clandestine terrorist activities bilang Palestinian National sa pangalang Mahmood Afif. Siya ring ay naaresto 16 years na ang nakakalipas ng Jordanian authorities matapos na magsilbing point man umano ni Mohammed Jamal Khalifa, isang Saudi businessman at sa brother-in-law nitong si Bin Laden’s bilang tagapamahala sa charity organizations na siyang ginagamit para ponduhan Al Qaeda at the Abu Sayyaf Group. Three years matapos siyang madeport ay nagkaroon umano ng freez order ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa account ng Khalifa’s bank accounts at financial assets para maiwasan ang money laundering ng mga terrorist groups. Pero teyorya ng awtoridad na patuloy parin umano ang suportang financial ng Al Queda sa mga turistang grupo gamit ang mga mosques, Madrasah schools na ipnatayo.FRANCIS SORIANO

Show Buttons
Hide Buttons