Dahil sa nawawalang manok, Ex-Seaman arestado sa pamamaril

Nalagay ngayon sa balad ng alanganin ang isang 62-anyos na ex- seaman matapos nitong pagbabarilin ang isang 33-anyos na pinaghihinalaan nitong nagnakaw sa alangang panabong na manok sa Valenzuela City.

. Kinilala ni PCOL Carlito Gaces, hepe ng Valenzuela City Police Station ang suspek na si Demosthenes Molinos, 62, habang ang biktima ay nakilalang si Dennis Lucilla kapwa residente sa Brgy. Gen. T. De Leon.

Ayon sa ulat, pinuntahan ng suspek sa bahay ang biktima sa Teachers Village dakong 11:45 ng gabi noong myerkules at dito na pinagbabaril ang biktima. Agad naman naisugod sa Valenzuela Medical Center ang biktima na nagtanong ng ibat ibang tama ng bala sa bahagi ng kanyang katawan.

Sa follow up operation ng mga rumespondeng Valenzuela City Police Community Precinct (PCP) 2 ay nadakma ang suspek at narekober ang ginamit sa krimen na caliber .45 pistol na paso na ang license.

Lumabas din sa imbestigasyon ng homicide division na ang biktima at suspek ay may naunang mainitan pagtatatalo matapos akusahan ng suspek na ninakaw umano nito ang kanyang panabong na manok. Dahil dito ay nahaharap ngayon sa Valenzuela City Prosecutors office ang suspek ng kasong frustrated murder at violation of R.A. 10591 or the Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.Francis Soriano

Show Buttons
Hide Buttons