Misis na taksil at kalaguyo dakma sa hotel

Kasong adultery ang haharapin ng isang ginang at concubinage naman ang isinampa sa kalaguyo nito sa Malabon City Prosecutor’s Office matapos itong mahuli ng kanyang mister sa isang hotel sa Malabon City.

Kinilala ng Malabon Police ang suspek na si July Ledesma, 31, tricycle driver, ginang na itinago sa pangalan “Vicky” 46 at mister nitong biktima na si “Randy”, 46, kapwa residente ng Brgy. Longos.

Ayon sa pulisya, naghihinala mister nitong si “Randy” sa kanyang misis na si “Vicky”, na matagal na siya nitong niloloko na naging dahilan upang sundan nito ang asawa nang umalis ng kanilang bahay.

Nakipagkita ang misis sa kanyang lalaki na na si Ledesma, 31, at nagcheck-in ang mga ito sa Masky Hotel sa kahabaan ng Rapana Road, Brgy. Potrero dakong alas-7 ng gabi. Nang makumpirma ng mister ang pagpasok ng dalawa sa hotel, agad itong humingi ng tulong sa Malabon Police Community Precinct (PCP) 8 na hinintay ang pag check out ng mga ito na nagresulta sa kanilang pagkakadakip.Francis Soriano.

Show Buttons
Hide Buttons