5 Pekeng Dentista Arestado ng PNP

Arestado ng awtoridad ang limang katao na nagpanggap na mga dentista sa sa magkahiwalay na klinika sa Pasay City at Paranaque City.

Humingi ng tulongĀ  sa Phil.National Police ang Phil.Dental Association bunsod ng reklamo sa mga suspek at matuldukan na rin ang pagpapanggap ng mga ito na sila ay mga dentista.

Ang klinika ay pag-aari umano ni Dr.Jovita Lingo Baliao na may Dental Clinics sa Metro Manila at Baguio City na umaabot 20 bilang.

Lumalabas sa report na ang lahat naman na Dental Clinics ay lisensiyado subalit ang mga Dentista at mga Dental Technologist ay dapat lisensiyado rin ng Philippine Regulatory Commission PRC.

 

Show Buttons
Hide Buttons