Reg. 12 Napinsala ng lindol ang ilang Establisyemento na Magnitude 6.5

Nagtala na naman ng mga panibagong danyos dahil sa pagyanig  ng lindol na Magnitude 6.5 kaninang umga sa malaking bahagi ng Mindanao na sumentro ng malakas kalaminidad  sa Bahagi  ng Tulunan,North Cotobato.

Sa parte ng Koronodal City,ang ilang bahagi  ng Gaisano Grand Mall Koronadal ay nasaksihan ng ilang mga Empleyado ang ilang ding-ding ay nahulog  habang ito ay yumayanig.

Sa South Cotobato Provincial Hospital ay nagpatuloy naman nagsidatingan ang mga ambulansiya na may mga dalang taong nahimatay  at mga sugatan makaraang  matapos ang nangyaring paglindol.

Ang South Cotabato Provincial Hospital naman patuloy ang pagsidatingan ng mga ambulansyang may dalang mga taong nahimatay at nakapagtala ng sugat matapos ang nangyaring lindol.

Doon naman sa Kiadapawan City,ay nawasak ang Eva Hotel na masuwerte nang walang mga tao  bago ito bumagsak at masira.

Sa ngayon mahigpit na monitoring ang isinasagawa ng lokal na gobyerno dahil sa mga patuloy na pagyanig.

Una rito napag-alaman na naramdaman ang Intensity VII sa Tulunan, Cotabato; Kidapawan City, Sta. Cruz, Matanao, Bansalan, at Magsaysay, Davao del Sur habang Intensity VI sa Tampakan, South Cotabato, Intensity V General Santos City, Tupi, South Cotabato, Isulan, Sultan Kudarat, Intensity IV, sa Lebak Sultan Kudarat.

 

Show Buttons
Hide Buttons