Canned Goods mula Vietnam nakumpiska sa Mall ng Legazpi

Nakumpiska ng mga awtoridad ang mga Dela Lata na umaabot sa 1,400  mula sa bansang Vietnam sa isinagawang  nilang opersyon sa African Swine Fever (ASF) sa Legaspi,City.

Nagsanib puwersa sa operasyon ng  sa isang Mall sa nabanggit na Lungsod sina City Veterinary Head Dr. Emmanuel Estipona kasama ang National Meat Inspection Service (NMIS) at ang Food and Drug Administration (FDA).

Posibleng masampahan ng kaso ang mga distributor ng naturang mga produkto na sadya umanong pinalitan ang label kung saan nagmula ang mga canned goods.

Tiniyak naman ng mga opisyal na negatibo ang Legazpi at buong Bicol region na may nanakahawang sakit na ASF na tumama sa mga Baboy sa kanilang lugar.

Show Buttons
Hide Buttons