John Gokongwei 93, Pumanaw na

Sumakabilang buhay na isa sa kilalang Negosyante sa ating Bansa sa edad na 93 nasi John Gokongwei.

Sa pahayag  ng anak nito nasi Lance Gokongwei bandang 11:41 ng gabi November 9 taong kasalukuyan ng mawalan  at nalagutan ng hininga ang kanyang ama sa Manila Doctors Hospital.

Ang namayapang  si John Gokongwei ay nasa Forbes Rischest Filipino ngayong taon na pumangatlo na may yaman na humigit $5.8 billion.

Siya ang founder ng JG Summit, na nangunguna sa air transportations, telecommunications, banking , food, power at property.

Itiniguyod niya ang Universal Robina Corporation noong 1957 bilang cornstrach plantation hanggang lumago na ito na gumagawa ng pagkain at inumin.

Noong ito ay naging 80 anyos ay ibinigay niya ang P20 billion o kalahati ng kaniyang shares sa JG Summit Holding sa foundation ng kanilang kumpanya.

Show Buttons
Hide Buttons