GUN BAN Patutupad dahil sa SEA Games – PNP

Ipapatupad ang GUN BAN ng Philippine National Police sa ibat-ibang bahagi ng bansa bilang seguridad sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games (SEA GAMES).

Magsisimula ang GUN BAN sa darating na November 20,2019 hanggang Decenber 14,2019 sa National Capital Region,CALABARZON,Region-1(La Union)at Region-3.

Magpapakalat din ng mga pulis na nasa 27,440 para sa SEA Games sa pag uumpisa at sasampahan ng kaso ang mga maarestong lalabag sa itinadhana ng batas.

Sa nakalipas na mga araw ay may mga aktibidad ang PNP bilang paghahanda sa mga lugar ng mga Venues at Delegasiyon ng SEA Games.

Show Buttons
Hide Buttons