Dec.19,2019 Magdedesisyon “Maguindanao Massacre”

Ilalabas na ang desisyon sa Maguindanao Massacre Case na nakalendaryo sa Quezon City Regional Trial Court.

Itinakda ang gagawing Promulgation sa darating na December 19,2019 kay QC RTC Branch 221 Presiding  Judge Jocelyn Solis Reyes.

Isasagawa ito sa Quezon City Jail-Annex sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Matatandaan ang kaso ay may namatay na 58  katao sa Bayan ng Ampatuan,Maguindanao noong taong 2009 at kasama rin ang mga nabiktima na pawang miyembro ng Media.

Sa nasabing kaso ay may 200 na mga akusado subalit ang naaresto lamang ay umaabot sa 117 katao.

Noong nakaraang Nobyembre pa sana ito nadesisyunan ngunit humiling ang huwes sa Korte Suprema ng dagdag na panahon para mabuo ang kaniyang hatol.

 

Show Buttons
Hide Buttons