DOLE Mag-Aalok 50,000 Trabaho ngayong December

Magsasagawa ng Job Fair ang Department of Labor and Employment sa ibat-ibang bahagi ng bansa na maglalaan ng 50,000 trabaho.

Nakatakdang magsimula sa darating na December 4 taong kasalukuyan sa Legazpi Albay,na susundan sa La Union,San Pedro City  at Bacnotan sa December 5.

Sa darating na December 9 naman ay sa Saqn Nicolas,Ilocos Norte at sa December 11 isasagawa ang Job Fair ay sa Alaminos City Pangasinan maging sa December 16 ay sa Dagupan City.

Sa isasagawang Job Fair sa mga nabanggit na mga lugar ay inaasahan na may pinakamaraming trabaho na makukuha ay gaya ng Karpintero,Steelman at Mason.

May makukuha din ang nasa 20,000 trabaho sa ibang bansa partikular na sa Middle East, Russia, Japan at New Zealand.

Show Buttons
Hide Buttons