NAIA Terminal isasarado sa Bagyong “TISOY”

Nag-anunsiyo na isasara muna mula 11:00 AM hanggang 11:00 PM ngayong araw (Dec.3,2019)ang mga paliparan ng Ninoy Aquino International Airport(NAIA).

Sinabi ni General Manager Ed Monreal ng Manila International Airport na napagkasunduan sa kanilang pag-uusap ng mga Airlines Companies ang nasabing anunsiyo ay dahil sa Bagyong TISOY para sa kaligtasan ng lahat na  sumasakay sa mga paliparan ng NAIA.

Aabot sa 480 flights ang maapektuhan sa nasabing pagsara ng paliparan mula (NAIA)Terminal 1 hanggang 4.

Sinabihan din ni Monreal ang mga Airlines Companies na tulungan ang mga maapektuhang pasahero sa pagsasara ng mga Paliparan.

Show Buttons
Hide Buttons