Pastor dinakip sa Pagpaslang sa Ama ng ka-Live In Partner

Isang ama  ang napatay ng ka-live in partner ng kanyang anak na babae matapo na ito umanoy pagsasaksakin sa ibat-ibang bahagi ng katawan nito.

Nakilala ang biktima nasi Trinidad Barriga,69 anyos na kasalukuyang naninirahan sa San Isidro,Ecoland sa Davao,City.

Sa pahayag ng suspek nasi Erwin Apolentesima 56 anyos na residente ng Taal ,Bangkal kung saan naninirahan ito sa nabanggit na lungsod na wala siyang balak na patayin ang biktima.

Ang suspek ay sinasabing dating Pastor ng Born Again Church at nagawa lamang niya ang krimen para depensahan lamang niya ang kanyang sarili ng tangkain siyang paluin ng Biktima ng tubo sa kanyang ulo.

Nalaman din na sugatan din ang kinakasama ng suspek na anak ng biktima nasi Mildred Barriga 49,anyos na   patuloy pa rin na ginagamot sa Southern Philippines Medical center.

 

Nadakip ng mga awtoridad ang suspek at kasalukuyang inihahanda ang kaso laban dito.

Show Buttons
Hide Buttons