Overweight na mga Pulis Pinagbabawas ng Timbang-PNP OIC Gamboa

Inabusuhan  ni PNP OIC  P/Lt. Archie Gamboa ang lahat ng mga pulis na sobra sa timbang sa katawan  na magbawas na.

May “sanctions”na ipatutupad kapag hindi nakapag-comply  sa tamang Body Mass Index (BMI).

Ayon pa kay PNP OIC Gamboa na yung mga pulis na wala sa tamang timbang  ay hindi papayagang mag-schooling na siyang requirements para sa kanilang promotion.

Dagdag pa na walang exempted sa mga pulis mula sa pinakamababang ranggo  sa ipatutupad na maayos na pangangatawan.

Layunin nito ang magandang imahen ng PNP at sa sarili nitong kabutihan.

Nakatakda na ang direktiba para sa implementasyon kung kaya gagawa rin ng mga paraan sa ideal body mass index.

Show Buttons
Hide Buttons