PNP patas VS sa mga “Narco Cops”

Pagtitiyak ng PNP(Phil.National Police)  na magiging parehas sa mga gagawing proseso at walang whitewash sa pagsasalang sa mga Pangalan ng mga pulis na pasok sa Drug Wacth List.

Sinabi ni PNP Spokeperson Brig.Gen. Bernard Banac sa kanilang gagawing evaluation at adjudication process ay bibigyan ng due process ang mga pulis na nasa 357 na ituturing na mga inosente hanggat hindi napapatunayan na sila ay Guilty.

Ayon pa kay Banac na gusto nilang lumabas ang katotohanan base sa isinasagawang imbestigasiyon sa pagkakasangkot sa iligal na droga ang mga pulis na nasa wacth list ng iligal na droga.

 Binibigyan na lamang ng isang buwan ni PNP Chief Archie Gamboa ang adjudication board para salain at tapusin na ang mga listahan.

 Lumalabas na nasa kabuuang 357 na mga pulis ang iniuugnay sa illegal drug trade at 15 na kumuha ng early retirement na nasa 43 naman ang Absent Without Leave na nakalista.

 

Show Buttons
Hide Buttons