Korte pina-aaresto ang pumaslang sa Radio Broadcaster

Nag-isyu ng Warrant of Arrest ang Regional Trial Court 12th Branch 61sa Kidapawan City sa Mamamahayag nasi Dante Encarnacion Tabusares aka Bong Encarnacion.

Ang Pag-isyu ay may kinalaman sa kasong pamamaslang sa News Anchor ng Brigada News FM Kidapawan City nasi Eduardo “ED” Dizon noon July 2019.

Naantala ang pag-aresto kay Encarnacion makaraang magsampa ito ng Motion to review sa nasabing Korte.

Lumalabas nasi Encarnacion ang itinuturong mastermind  sa pagpatay kay Dizon dahil sa away nila sa Kabus Padatoon(KAPA) International Mininstry.

Wala namang inirekomendang Bail Bond ang korte sa kaso ni Encarnacion.

Show Buttons
Hide Buttons