500K FACE MASK ang gagawin ng DOST-PTRI

Gagawa ang Philippine Textile Research Institute ng Dept. of Science and Technology(DOST)ng 500.000 na piraso reusable face mask dahil sa kakulangan ng bansa nito dahil sa krisis ngayon sa Corona Virus (COVID-19).

Sinabi ni DOST Secretary Fortunato Dela Pena sa ginawa nitong anunsiyo sa Facebook Post na puwedeng gamitin ng 50 beses ang face mask na kanilang gagawin kasama ang Taytay Local Government Unit at mga pribadong sektor.

Aniya ito magiging water repellent para sa karagdagang  proteksiyon sa mga bacteria at viruses.

Show Buttons
Hide Buttons