LGU huwag suwayin ang Enhanced Community Quarantine- Pang.Duterte

Pangulong Duterte nagbabala sa lahat ng Local Executives sa bansa na huwag suwayin ang ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.

Binigyan diin Ni Pangulong Duterte na ang National Government ang magpapatupad ng mga kautusan na dapat ay sumunod ang mga lokal na mga opisyal ng Gobyerno.

Ang hindi susunod sa kautusan ng  National Government ay papatawan ng kaso ng Inter-Agency Task Force(IATF) for Management Infectious Deseases.

 “I was a mayor myself, in case you have forgotten, but this is an emergency of national proportion and therefore it is the national government that should call the shots,” wika pa ng Pangulo.

Ang panawagan ng Pangulo ay may kinalaman ng payagan ni Pasig City Mayor Vico Sotto na mag-operate ang mga traysikel na masakyan ng mga  Health Workers.

Nilinaw naman ni Mayor Vico Sotto na susunod siya sa kautusan na ipinatutupad ng Pamahalaan.

Show Buttons
Hide Buttons