Pangulong Duterte nanawagan ng Joint session sa Kongreso para sa Pondo laban sa COVID-19

Magkakaroon ng Special Session ang Kongreso sa panawagan ng Pangulong Duterte kaugnay sa paglaban ng Gobyerno sa Corona Virus o(COVID-19).

Tinawagan ni Special Assistant to the President Senator Bong Go si Senate President Vicente “TITO” Sotto III na ninanais ng Pangulong Duterte na magkaroon ng Joint Session ang Kongreso.

Layunin ng Joint Session na magpasa ng budget para sa Emergency Funding na P1.6 Billion para sa reponse sa COVID-19.

Ang pondong ilalaan ay para sa tulong sa mga mahihirap na mamamayan na apektado ng Enhanced Community Quarantine.

Sinabi pa na seryoso ang Pangulo Duterte sa paglaban at pagsugpo sa COVID-19 sa bansa.

Show Buttons
Hide Buttons