DILG nagbabala sa mga Barangay na nagbebenta ng PASSES

May nabalitaan ang Dept.of Interior and Local Government (DILG) na may ilang Barangay Official ang naniningil para makakuha ng Quarantine Passes, Community ID at Food Stub sa ibat-ibang lugar sa Luzon.

Sinabi ni DILG UnderSecretary Jonatahan Malaya ng mabalitaan nila ito nasa halip makatulong ay nagpapadagdag pa ng problema ang mga Barangay Officials sa kinakaharap ng bansa sa COVID-19.

Ayon pa kay Malaya pananagutin nila sa batas ang sinumang opisyal na naghaharang ng mga Cago Trucks na naglalaman ng mga food supplies,nagbebenta ng mga Barangay IDs at Quarantine Passes.

“I’ll make this clear: Barangay officials have no authority to impose such fees and to set up checkpoints without coordinating with their mayors,” ani Malaya sa isang panayam.

Wala rin pahintulot aniya na Pinalabas na direktiba ang Pangulong Duterte at ang  Inter-Agency Task Force (IATF)sa mga Barangay na magbigay ng sarili nilang Quarantine  Pass.

Show Buttons
Hide Buttons