P300-B inilaan ng BSP laban sa Corona Virus(COVID-19)

P300 Bilyong piso ang ilalaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas(BSP)-Monetary Board upang makatulong ang Pamahalaan sa paglaban ng sakit na Corona Virus Desease (COVID-19)sa ating bansa.

Nagbigay ng pahintulot ang Monetary Board  ng BSP sa Bureau of Treasury sa ilalim ng repurchase agreement sa pagbili ng Goverment Securities.

Sinabi ni National Tresurer Rosalia De leon na ang hakbang ay upang makapagbigay ng tulong sa National Government sa  kasalukuyang dinaranas na krisis na siyang pinaka-makakatulong  na gawin.

“This arrangement is the most cost-effective way for us to provide an extra lifeline to the national government to support the programs to fight this pandemic.”

Ayon naman kay BSP Governor  Benjamin Diokno ang naturang halaga ay makakapagbigay ng malaking tulong sa Luzon sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan sa apektado ng Enhanced Community Quarantine.

“We continue to support the government’s initiatives and objectives during the enhanced community quarantine (ECQ),” ani Diokno. “This additional amount is intended to provide support for those most affected by the ECQ, especially in Luzon, for the next 60-90 days.”

 

 

 

Show Buttons
Hide Buttons