AFP chief Gen. Felimon Santos Jr. positibo sa COVID-19,Defense Sec. Lorenzana magseself-Quarantine

Nagpositibo sa COVID-19 si AFP Chief of Staff Gen. Felimon Santos Jr.ito ang kumpirmahin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Ang test ay inilabas kahapon ni Gen.Santos.

Sinabi ni Secretary Lorenzana na ngayong araw ay magse-self quarantine na rin siya dahil may pagkakataon na nagkasama sila ni Gen.Santos.

Nagsimula silang nagkasama ni Gen.Santos noong March 21,2020 sa Villamor Air Base sa Pasay City kung saan nagkaroon ng turn over ng mga Medical Supplies.

Sumunod nitong March 22, 2020 kung saan nagkita rin sila ni Santos sa Heroes Hall sa Malacanang.

Ayon pa kay Sec.Lorenzana susunod siya sa Protocol Self Quarantine kahit wala pa naman siyang sintomas ng COVID-19.

 

Show Buttons
Hide Buttons