Pangulong Duterte pababaril ang manggugulo sa ipinatutupad na Lockdown

Ang sinumang maghahasik ng kaguluhan ngayong ipinatututupad ang Lockdown ay binigyan nang babala ni Pangulong Duderte na kanyang itong ipababaril sa mga awtoridad.

Sinabi ng Pangulo na magpapatupad ng batas ang kaniyang gagawin kapag may kapamahakan na iiral sa mga buhay ng mamamayan.

Nakahanda naman ang mga Sundalo at mga Pulis sa lockdown  para sa katahimikan.

 

“Huwag ninyo akong takutin ng gulo-gulo kasi kung gusto talaga ninyo ng gulo, guguluhin natin ang bayan natin tutal wala pa namang pagkain. Kung gusto ninyo nung barilan, eh ‘di sige. Gusto ninyo ng pukpukan, sige. I will not hesitate, my orders are sa pulis pati military, pati mga barangay na pagka ginulo at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay ninyo ay nalagay sa alanganin, shoot them dead, naintindihan ninyo? Patay. Eh kaysa maggulo kayo diyan, eh ‘di ilibing ko na kayo. Ah ‘yung libing, akin ‘yan. Huwag ninyo subukan ang gobyerno kasi itong gobyerno na ito hindi inutil,” wika ng Pangulo.

Kamkailan lang ay may nagsagawa ng kilos protesta ang aabot sa 20 katao sa Quezon City na may nangyaring kaguluhan sa pagitan nila at sa mga pulis.

 

Show Buttons
Hide Buttons