3-MEDIA nagpakilala huli Social Distancing at pagiging Arogante

Sinampahan ng kasong paglabag sa Social Distancing,Direct Assault upon a person in Authority ang tatlong Babae na mga nagpakilalang miyembro ng International Mass Media sa Cagayan.

Ayon kay PNP PSSgt.Marvin Lorenzana ng PNP Camalaniugan ang mga suspek ay nakilala na sina Lovely Mae Sosa,Janet Sosa,Arlene Arellano at ang kasama nilang driver ng kanilang sinasakyan na traysikel nasi Isidro Siriban.

Nag-ugat ang pagkakadakip sa mga suspek ng makita silang kumpol-kumpol sa traysikel na kanilang sinasakyan kung sinita ang mga ito.

 

Nung tinitingnan  ng mga pulis ang mga dala nitong mga ID ay bigla nilang hinalbot at nagalit sa mga pulis.

Sinabi pa ni PSSgt.Lorenzana ang mga suspek ay wala rin maipakitang miyembro sila ng MEDIA at International Press Card  MEDIA EXEMPTION PASS.

Bukod pa dun ay wala rin silang maipakitang Travel PASS at Quarantine Pass kung saan naninirahan at kung saan sila galing.

 

Show Buttons
Hide Buttons