2 arestado sa panloloko sa ayuda ng DSWD

ARESTADO ang dalawang lalaking diumano’y nanloko sa pagkuha ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development kaugnay sa nararanasang krisis dala ng coronavirus o COVID-19.

Naunang inaresto ang isang 39-anyos na barangay tanod ng Gen. T. De Leon habang nagbibigayan ng cash kaninang umaga sa Holy Cross Credit Corporation Gymnasium, Barangay Gen. T. De Leon.

Napag-alaman na ang suspek at ang asawa nito ay kapwa nagsabmit ng magkahiwalay na SAC form at parehong nakatakdang kumuha ng cash. Malinaw na ito ay paglabag sa polisiya ng naturang programa na isang form kada pamilya lamang ang pinapayagang ipasa.

Kaugnay nito, isang 31-anyos na tattoo artist ang kusang loob na nagtungo sa tanggapan ng City Social Welfare and Development upang isauli ang halagang P8,000 na aniya’y tinanggap nila ng kanyang ka-live in mula rin sa SAP.

Personal nitong inamin kay Mayor REX Gatchalian na nakakuha sila ng kanyang live-in partner ng halagang P16,000 para sa dalawang form na kanilang ipinasa.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagdeklara ang magka-live in ng magkaibang address at idineklara din nilang pareho silang ‘head of the family’.

Inihahanda na ang kasong Estafa in relation to R.A. 11469 (Bayanihan to Heal as One Act) laban sa dalawang suspek.

Show Buttons
Hide Buttons