Fake Navy Officer arestado

CAMP GEN ALEJO S SANTOS, Malolos, Bulacan — Dina na nakapalagpa ng arestuhin ng mga tauhan ng Baliwag Municipal Police Station ang isang 48-anyos na armado at nagpakilalang Navy Officer, kamalawa.

Kinilala ni PCOL Lawrence Cajipe, Provincial Director ng Bulacan PNP, ang suspek na si Romeo Jervoso Jr y Jupio, 48 years old at residente sa Brgy. San Jose, Baliwag, Bulacan.

Ayon kay PCOL Cajipe, agad na rumespondeng ang mga awtoridad matapos na timbre sa kanila na meron umanong umiikot at nagpapakilang armadong at unipormadong Navy Officer said nabangit na lugar. 

Dito ay inabutan ang suspek ng mga awtoridad na remosponde na agad sinita pero wala umanong maipakitang legal na dokomento na siya ay isang aktibong Navy Officer na naging dahilan upang siya arestuhin. 

Narekober sa suspek ang isang (1) caliber .45 M1911 FS GI Armscor pistol with serial number 1427011 na loaded ng isang magazine na may pitong at isang (1) low carry holster.

Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng awtoridad na ang suspek ay hindi aktibong opisyal ng Navy bagkus siya ay isang Navy reservist at hindi  authorizadong magbitbit ng baril at walang din itong hawak na documents to possess or carry a firearm. 

Dahil dito ay nahaharap ang suspek  sa mga kasong Usurpation of Authority and Violation of RA 10591 (Illegal Possesion of Firearm and Live Ammunition.Francis Soriano

Show Buttons
Hide Buttons