Dating Senador Jinggoy Estrada inaresto sa ECQ

Paglabag sa Protocol ng Enhanced Community Quaratine (ECQ)ang pag-aresto kay dating Senator Jinggoy Estrada ng San Juan Police Station.

Nasa pamamahagi ng Relief Good ang dating Senador ng arestuhin ng mga awtoridad

Sinabi naman ni San Juan Mayor Francis Zamora na inisiyatibo ng Pulisya dahil nilabag nito ang Quarantine Regulations nang kasalukuyang namamahagi ng Relief Goods Si Estrada na walang Quarantine Pass at Clearance mula sa Local Government Unit.

Ayon naman kay Dating Senator Jinggoy Estrada habang namimigay ng Relief Good ay nakasuot naman siya ng Personal Protective Equipment  at nakasuot rin umano siya ng Face Mask.

Dagdag pa ni Mayor Zamora na hindi rin sumunod  si Dating Senador Estrada sa Social Distancing  habang namimigay ng Relief Goods.

Umareglo nasa Police Station si dating Pangulong Joseph Estrada na ang ama ni dating Senator Jinggoy Estrada.

 

Show Buttons
Hide Buttons