Tirada Balita TV > Business > Metro Manila magpapatupad at gagawa ng mga sariling BICYCLE LANES
Metro Manila magpapatupad at gagawa ng mga sariling BICYCLE LANES
Nakatakdang magbigay ng daan sa mga nagbibisikleta ang ilang mga lungsod saMetro Manila para malayo sa mga disgrasya ang mga gumagamit nito kabilang ang Pasig at Taguig.
Ipagpapatuloy parin ang lokal na ordinansa ayon kay Pasig chief transport planner Anton Sy sa mga safe bicycle pathways at ganun din sa bicycle parking.
Ipinagmalaki naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na bago pa man magkaroon ng coronavirus ay mayroon na silang mga bike lanes na kanila na lamang itong aayusin habang sa San Juan City ay inilunsad kamakailan ang Makabagong San Juan Pop-up Bike Lanes.
Tumaas ang bilang ng mga bumibili ng bisikleta dahil sa problema pa rin ng transportasyon sa National Capital Region.