Tirada Balita TV > National > NBI PATONG-PATONG ANG IKINASO SA PULIS NA BUMARIL SA DATING SUNADALO
NBI PATONG-PATONG ANG IKINASO SA PULIS NA BUMARIL SA DATING SUNADALO
Patong-Patong na kaso ang isasampa ng National Bureau Of Investigation (NBI)na agad itinakda ng Department of Justice (DoJ)laban sa mga pulis na bumaril sa dating sundalo na si Winston Ragos sa Quezon,City nitong nakaraang buwan ng April.
Asahang ngayong buwan ay magkakaroon ng imbestigasiyon ayon kay DoJ Sec. Menardo Guevarra,sa mga kasong isinampa kay Police Master Sergeant Daniel Florendona sangkot sa pagpatay sa dating sundalo noong April 22 taong kasalukuyan.
Sinabi ni NBI-Death Investigation Division (DID) na ang mga kasong isinampa sa suspek ay murder, perjury at planting of evidence laban kay Florendo.
Ang dating sundalo nasi Ragos ay tinamaan ng Baril ng pulis nasi Florendo sa Control Point sa Quezon,City
Tinangka umanong bumunot ng baril si Ragos nang pinauuwi ito para sundin ang Coronvirus disease 2019 (COVID-19) quarantine measures.
Si Ragos ay nagsilbi sa militar sa loob ng pitong taon at na-discharge noong Enero 2017 matapos ma-diagnosed na mayroon post-traumatic stress disorder.