Oligarko bubuwagin kahit walang Martial Law ni Pang.Duterte

Tahasang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabubuwag niya ang mga Oligarko na hindi magdedeklara ng Martial Law sa ating Bansa.

Sa ginawang pahayag ng Pangulong Duterte lalong magiging madugo ang kanyang kampanya laban sa mga Oligarko sa harap ng mga sundalo sa Jolo Sulu sa nalalabi nitong panunungkulan na dalawang taon.

Sinabi pa ng Pangulong Duterte kapag nabuwag niya ang mga Oligarko sa bansa na matagala ng pinagsasamantalahan at niloloko ang gobyerno at mga Pilipino ay masaya siyang mamamatay.

 

“Ganun nila nilaro ang bayan ko. Kaya ako mamatay, mahulog ang eroplano, I am very happy. Alam mo bakit, without declaring martial law I dismantled the oligarchy that controlled the economy and the Filipino people,” saad pa ng Pangulong Duterte.

 

Inihayag pa ni Pangulong Duterte na sinira niya ang mga taong humawak sa ekonomiya ng bansa.

 

“Without declaring martial law, sinira ko ‘yung mga tao na humahawak sa ekonomiya at umiipit at hindi nagbabayad. They take advantage sa kanilang political power.”

Show Buttons
Hide Buttons