Pangulong Duterte buo ang tiwala kay DOH Sec.Duque

Tiwala pa rin ang Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Health Secretary Francisco Duque III ayos sa pahayag ng palasyo ng Malakanyang.

Bagamat may rekomendasiyon na sampahan ng Malversation of Public  Funds ng Senado si Sec.Duque sa ma-anomalyang nangyari sa PHILHEALTH.

Sianabi ni Presidential Spokeman Harry Roque na inaantay ni Pangulong Duterte ang kalalabasan ng imbestigasiyon ng Department Of Justice sa binuong Task Force.

Sa September 14 na inaasahang matatapos ang imbestigasiyon ng task Force ng Department Of Justice.

“Si Presidente naman po ay nagtitiwala pa rin kay Secretary Duque pero antayin po natin ang rekomendasyon ng task force dahil kung meron din ganyang rekomendasyon ang task force ay rerspetuhin din ng Presidente ang rekomendasyon,” ani Sec. Roque.

Show Buttons
Hide Buttons