Signal NO:1‘OFEL’ sa Metro Manila at ilang lugar Nananatili

Nasa ika-limang beses na nag-landfall ang Tropical Depression ang “OFEL”ayon sa Pag-Asa dakong-11 ng gabi sa San Juan,Batangas nitong Miyerkules(October 14,2020).

Nagtataglay ito ng hangin na 45 Kilometers per Hour na may pabugso-bugsong 55 Kilometer per Hour.

Sa unang paglandfall  nito ng umaga ng Miyerkules ay sa Eastern Samar bandang-2:30 ng umaga,Pumangalawa sa Matnog,Sorsogon ng 6:00 ng umaga at pagsapit ng Tanghali na naglandfall ng pangatlong beses sa Burias Island at ang ika-apat na paglandfall dakong-7:45 ng gabi sa Marinduque.

Makakalabas sa Philippine Area of Responsibility na tuluyang inaasahan ang Bagyo October 16,2020 sa araw ng Biyernes.

 

Ang  Tropical cyclone wind signal number 1ay nakataas parin sa  mga lugar ng Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Rizal, Metro Manila, Bataan, Cavite, Laguna, Calamian Island at Batangas.

Show Buttons
Hide Buttons