2 tulak arestado sa higit 400k na droga

Mahigit sa P.4 milyon halaga ng shabu ang nasabat sa dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos masakote sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela city.

Ayon kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, bandang 8 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Robin Santos kontra kay Joel Casuple alyas Belok, 41, malapit sa kanyang bahay sa Purok Orosco St. Mapulang Lupa.

          Nang tanggapin ni Casuple ang P2,500 marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.

          Nakumpiska sa suspek ang nasa 60 gramo ng shabu na tinatayang nasa P408,000.00 ang halaga, buy-bust money, P2,000 bills, at cellphone.

          Dakong 9:30 naman ng gabi nang masunggaban din ng mga operatiba ng SDEU si Jovert Bugna, 33 ng Candido St. matapos bentahan ng P300 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa buy-bust operation sa Cunanan St., Mapulang Lupa.

          Ani SUDE investigator PSSg Carlito Nerit ,Jr., narekober sa suspek ang nasa P3 gramo ng shabu na tinatayang nasa P20,400 ang halaga, marked money, cellphone at P400 bills.

          Mahaharap ang mga suspek nsa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.Francis Soriano

Show Buttons
Hide Buttons