Retiradong professor nalunod sa drum ng tubig

Natagpuang patay ang isang 64-anyos na retiradong professor ng University of the East matapos umanong malunod sa isang drum ng tubig sa loob ng kanyang comfort room sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.

Ang katawan ng biktimang si Emilie Cruz, single, ay nadiskubre ng kanyang kapatid na si Thelma Loberto at pamangkin na si Ivy Rose Capili dakong 1 ng hapon na nakalubog sa drum ng tubig sa loob ng kanyang comfort room sa second floor ng kanilang bahay sa 111-B Valdez St. Brgy. Catmon.

Ayon kina Malabon police homicide investigators P/SSgt. Corazon Nuque and P/SSgt. Ernie Baroy, nagpunta si Capili sa kuwarto ng kanyang ante upang tignan kung natapon na nito ang kanyang basura subalit, sa kabila ng kanyang mga pagkatok ay hindi sumasagot ang biktima na naging dahilan upang tanungin nito ang kanyang ina kung ang kanyang ante ay nasa silid niya.

Pinuntahan ni Thelma at kanyang anak ang kuwarto ng biktima subalit, hindi nila ito nakita hanggang sa tinungo nila ang comfort room malapit sa kusina.

Nang buksan ang ilaw, laking gulat nila nang makita ang biktima na nakalubog sa drum ng tubig na naging dahilan upang alisin nila ang katawan nito sa drum saka tinangkang i-revive subalit, wala na itong buhay.

Sa course of investigation, inirekomenda sa immediate family ang autopsy examination subalit, tumanggi sila at sa halip ay gumawa ng isang waiver na naniniwala silang walang foul play sa insidente.Francis Soriano

Show Buttons
Hide Buttons