3,000 Bakanteng Posisyon sa BOC

 

boc

Sinisuguro ng Bureau of Customs (BoC) ang mahigit 3,000 bakanteng plantilla position bilang bahagi ng pag-upgrade ng serbisyo ng ahensya at pagtugon ng publiko sa panawagang ayusin ang pagpapatupad ng mga batas sa custroms and tariff na saklaw at mandato ng bureau.

 

Sa Kapihan sa Manila Bay media forum sa Café Adriatico sa Malate, Maynila, ipinaliwanag ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon ang kahalagahan ng pagpuno ng mga bakanteng posisyon sa BoC para ihayag din ang kakulangan ng ahensya sa nakalipas na panahon.

 

“We want to professionalize our ranks with qualified personnel who have the skills and training as well as educational background to perform with honesty and credibility,” sabi ni Faeldon.

 

Ayon pa kay Faeldon ang magandang resulta sa mga pagbabagong ipinapatupad ngayon sa ahensya na nagbigay ng 37 porsyentong pagtaas mula sa dating 25 porsyento sa revenue collections sa ilalim ng customs and tariff laws na pinapairal ng pamahalaan.

 

“We are adjusting to the expectations of the President and more importantly the people. We are instigating reforms within the bureau because if we fail to do this, the losers wil be the citizenry and not bureau people,” ani Faeldon na   na dating kapitan sa Philippine marine.

Nabanggit din ng Commissioner na inatasan  niya ang  mga kawani ng BoC na ilantad ang mga taong sangkot sa mga anomaly at korapsyon para kanilang tugisin at iharap sa batas.

 

“I told them to do their job or else bad practices and corruption will continue,” aniya.

 

Sa  nakaraang linggo, nagsagawa ng fun run ang BoC bilang fund raising project nito na nilahukan ng mahigit 1,500 runners mula sa hanay ng mga broker at importer, na pinasumpang tutulong sa ahensya sa kampanya nito laban sa smuggling at katiwalian.

 

“I was amused to see some of them not being able to make their vows ‘eye-to-eye’ while others appeared to be resolved in changing their ways. Still, I assure everyone that we will be fair in assessing all players and stakeholders so we will be able to indentify those we should accr5edit and others we should not,” pagtatapos ni Faeldon.(Diana Cruz)

 

 

Show Buttons
Hide Buttons