10 taong gulang patay ng masagasaan ng SUV

exploring-tourist-destinations-in-tubao-la-union

TUBAO, LA UNION – Patay kahapon (December 18) ang isang 10-taon na batang babae matapos siyang masagasaan ng Sport Utility Vehicle (SUV) sa bayan ng Tubaosa nasabing lalawigan.

 

Kinilala ng Tubao Police Station (TPS) ang biktima na si Analyn Gaguas, ng Brgy. Rizal sa nasabing bayan.

 

Sa imbestigasyon, sinabi ng TPS na binabagtas ng sasakyan na minaneho ni Alexander Licop, 48, ng Mabalacat, Pampanga ang nasabing kalsada patungo sa silangan nang biglang tumawid ang bata.

 

Dito, nahagip ang biktima at nagtamo ng malalang mga sugat sa katawan na nagdulot ng kanyang agarang pagkamatay.

 

Sa ngayon, hawak ng pulisya ang  driver at patuloy ang sinasagawang imbestigasyon hinggil sa aksidente. ALLAN BERGONIA

 

Show Buttons
Hide Buttons