Abogado at kanyang Bodyguard pinagbabaril patay habang nasa Simbang GAbi

isabela01

SAN PABLO, ISABELA – Habang umaatend ng simbang gabi, pinagbabaril hanggang sa mamatay ay isang abogado at ang kanyang boduguard sa may simbahan sa San Pablo, Isabela kaninang madaling araw, December 20.

 

Kinilala ng San Pablo Philippine National Police (PNP) ang abogado na si Atty. Arlan Castañeda at ang bodyguard nito na hindi pa nakikilala.

 

Sa inisyalna imbestigasyon, si Castañeda at ang kanyang bodyguard ay kasalukuyang nasa simabahan at dumadalo ng simbang gabi ng sila ay pagbabarilin mula sa kanilang likod ng hindi pa nakikilalang salarin.

 

Biglang tumakas sa hindi pa malaman na direksyon ang mga suspek ng makitang bumagsak na sa lupa ang mga biktima.

 

Sa ngayon, nagsasagawa ng follow-up investigation ang Isabela police kung ano ang motibo ng pamamaslang at pagkakakilanlan ng dalawang suspek.  ALLAN BERGONIA

Show Buttons
Hide Buttons