Sindikato sa NFA nagpapatuloy

Nanawagan ang mga mamamayan sa Pamahalaan na magkaroon ng mahigpit na pagbabantay  sa mga tanggapan  ng National Food Authority (NFA)ang mga balita na yung mga Accredited Rice Retailers  nila ay nagbebenta ng bigas ng NFA sa presyong Commercial  Rice.

Sa  ginawang panayam ng Tirada Media Group sa mga residente ng National Capital Region,Region 4-A,Region-3 ,at Region-5 imbes na sa halagang itinakdang presyo ng NFA  ang dapat na ibinibigay ng mga Accredited Retailers.

Napag-alaman din na yung mga bigas na galing sa NFA ay nirere-sack at yung iba naman ay nirerepack  para maibenta sa mas mahal na halaga tulad ng Commercial Rice.

Dapat din aniya na bantayan  yung mga alokasiyon na binibigay sa mga Accredited Rice Retailers ng NFA kung ilan bang sako ng bigas ang dapat ipagkaloob sa kanila batay na rin sa guideline o rules ng tanggapan.

Lumalabas din sa ulat na nagkakaroon ng palakasan sa pagkuha ng alokasiyon ng Bigas ng National Food Authority(NFA)na sumusobra  sa dapat ibigay depende sa koneksiyon umano sa mga empleyado at  opisyal nito.

Tutukan din aniya ng Pamahalaan yung patuloy na pamamayagpag  ng sindikato umano sa tanggapan ng National Food Authority  kung kaya patuloy ang kakapusan ng bigas,rice cartel,rice hoarding sa bansa.

 

 

Show Buttons
Hide Buttons