Bill sa Meralco, Tataas!

Dahil sa paglipas ng supply ng kuryente sa epekto ng El niño ay nagbabala ang Manila Electric Company (Meralco) posibleng tumaas ang singil sa kuryente dahil nagkakaroon ng pressure sa spot market tuwing numinipis ang supply nito.

Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, muling isailalim ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa yellow alert ang Luzon Grid na nagdulot ng pagnipis sa electric supply ng rehiyon mula alas-10:00 hanggang alas-11:00 nitong umaga.

Mararanasan din daw ito mamayang ala-1:00 hanggang alas-4:00 ng hapon.

Pero nauna ng nilinaw ng Department of Energy (DOE) na hindi maaaring mauwi sa brownout ang pagnipis ng reserba.

Bunsod nito ay nakikipag ugnayan na DOE sa mga power industry players at mahigit na binabantayan ang maayos nadelivery ng electricity services sa mga consumers.

Show Buttons
Hide Buttons