Nameke ng Passport stamps na Vietnamese

Inaresto ng Bureau of Immigration (BI)  ang ang mag-asawang Vietnamese National na paalis sana ng bansa ng mabisto ito sa kanyang  peke passport stamp at napag alamang overstay pala ito noong Huwebes.

Kinilala ni Commissioner Jieme Moerente, ang suspek na sina  Nguyen Thanh Quang, 35 at kanyang asawa na si Pham Thi Dung, 34,

Ayon sa ulat,  na intercept ang mga suspek sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ng mga myembro BI’s Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) ng subukan lumusot sa biyahe ng Philippine Airlines flight patungong Ho Chi Minh City noong linggo.

Dito na inusisa ang mag asawa at kanilang tinignan sa kanilang data base ang March 11 na nakalagay sa kanilang passport pero wala ito,  bagkus ang lumabas ay june 25, 2018  pa narito ang mga suspek.

Dito ay agad na inaresto ang mga ito at dinala sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City habang pinoproseso  ang kaso ng mga ito sa paglabag sa Philippine Immigration Law.

Show Buttons
Hide Buttons