Australia: may $85-m Dev’t Aid sa Pilipinas

Tumataginting na US 85 million ang pinamahagi ng  Australian government bilang development assistance sa PIlipinas.

Ayon sa pahayag ni Australian Ambassador Steven Robinson, na ang malaking bahagi ng naturang development aid ay napunta sa bahagi ng Mindanao para sa development ng Mindanao at sa pagsulong sa implementation ng Bangsamoro Organic Law.

Maliban umano rito ay patuloy parin ang kanilang isinasagawan assistance sa education  para sa mga  scholarship ng Filipino youth na sa kasalukuyan ay meron 60 Filipino students na nag-aaral sa Australia para sa kanilang masterial, doctoral degrees at halos 12,600 Filipinos na ang naging benepesyayro nito.

Maliban dito ay kanila rin tinitignan pa ang maitutulong para ma-improve ang defense training at technical support sa sandatahan lakas ng pilipinas.

Matatandang na noong 2017,  isa ang Australia sa katuwang ng Armed Forces of the Philippines sa pagbibigay ng technical assistance makaraan ipadala ang dalawang AP-3C “Orion” aircraft na siyang ginamit  bilang katuwang sa pagkalap ng intelligence surveillance at reconnaissance missions para tuluyang  matapos ang sigalot sa Marawi City.

Show Buttons
Hide Buttons